Kaayusan at Kaunlaran
Ang isang lider ay alam kung ano ang gusto niyang mangyari sa kanyang pamumunuan ngunit higit sa lahat ay alam niya kung paano ito gagawin. Sa Kaayusan at Kaunlaran ay makikita natin na si Bayani Fernando ay isang ehemplo ng tunay na lider.
  1. Ang mga batas ay solusyon na dapat lamang na alamin at sundin.

  2. Ang mga batas ay solusyon na kasalanan na di ipatupad ng may katungkulan.

  3. Tungkulin ng pamahalaan na ipabatid sa pinakamaliit na mamamayan ang kanyang mga karapatan, pribilehiyo, katungkulan at pananagutan sa kapwa, sa lipunan at kay Bathala.

  4. Hari ang tao sa kanyang sariling bakuran subalit sa pagtungtung niya sa bangketa ay dapat niyang malaman na siya’y bahagi ng komunidad at dapat sumunod sa mga batas ng lipunan.

  5. Urbanidad: mahalagang malaman ng bawat isa ang tamang paggamit ng kanyang komunidad.

  6. Kailangan mangibabaw ang makatarungang kapakanan ng nakararami laban sa pagkakani-kanya (anarkiya). Pantay-pantay kung may disiplina.

  7. Produktibidad Laban sa Kahirapan.

    Hindi na kailangan magwalis ka pa ng lansangan upang magmukhang makatao at makabayan, may mga taong swelduhan dapat gumawa niyan at tumugon sa anu’t-ano mang pangangailangan ng lipunan.

    Ang iyong trabahong kinabubuhay pagbutihin mo. Dagdag itong serbisyo at makababawas ng singil sa kapwa. Sa pamamagitan nito tayo ay tunay na makakatulong-tulong at sasagana (getting our acts together).

    Sa namumuno ang katungkulan na itulak lahat ng tao at kanyang sarili na magtrabaho ng matapat, sapat at magaling, na katumbas ng anumang pakinabang.

  8. Ang pamayanang may paniniwaa sa kanyang pamahalaan ay umuunlad.

  9. Makatuwirang Pagkalinga: Ang isang namumuno, masakit man sa kanyang kalooban, hindi dapat makiiyak sa kahirapan, sapagkat kung bulag din sa luha ang kanyang mga mata, papaano nya maaakay sila sa buhay na may pag-asa.

  10. Ang pinakamagaling na pamana sa ating mga anak ay ang kaligayahan natin ngayon. Ang mga ito ay nangangailangan ng political will para maging ganap.
Sa POLITICAL WILL at mga paniniwalang ito…TITINO TAYO!