Sweldo ng mga Kawani ng Pamahalaan sa Lokal Dapat Isaayos - Bayani
          Isa sa mga bibigyang pansin ni Bagumbayan VicePresidential Candidate Bayani Fernando ay ang pagpapataas ng mga sweldo ng mga kawani ng lokal na pamahalaan na hanggang sa ngayon ay hindi nadaragdagan sa kabila ng pagtaas ng mga bilihin.

            Ayon kay Bayani, maraming mga empleyado ng mga munisipalidad at lungsod na hanggang sa ngayon ay hindi sapatang kinikita dahil sa maliit ang Internal Revenue Allotment o IRA na tinatanggap ng munisipalidad o di kaya’y hindi binibigyang prayoridad ng mga mayor o ng konseho.

            Ayon kay Bayani may mga lugar na dating munisipalidad at naging ganap na lungsod na ngunit ang rata o sweldo ng mga empleyado ay hindi nagbago na naaayon sa estado ng isang lungsod.

            Marami ring empleyado ng lokal na pamahalaan ang hindi nakatanggap ng anumang dadag na bonus na idineklara ngkasalukuyang gobyerno tulad ng “Glorification, Love Bonus, 10% Salary Increase at Additional Christmas Bonus” dahil sa kakulangan sa pondo.

            A ni Bayani pinapaasa lamang ng gobyerno ang mga lokal na kawani sa pagaanunsyo nito ng sari-saring bonus gayung alam naman ng kasalukuyang administrasyon na ang lahat ng pondong gagamitin para dito ay depende sa pondo ng mga LGUs. 

            “There is a clause in the law regarding granting of bonuses and cash gifts to National and Local Government Units officials and employees but such granting of benefits is always subject to the availability of fund,” pahayag ni Bayani, dating Chairman ng MMDA.

            “Ang nangyayari dito nagpapabango ang gobyerno sa pagaanunsyo sa balita na mag karagdagang bonus o sweldo gayung alam naman nila na hindi naman lahat ay makakatanggap. At ang mga naiiwan ay ang mga kawawang kawani ng lokal na pamahalaan,” dagdag ni Bayani. 

            Ang mga ito ay napag-alaman ni Bayani mula mismo sa mga empleyaong nag “Lalakbay-Aral” sa lungsod ng Marikina at sa mga nakakausap
niya sa kanyang pag-iikots sa buong bansa.

            “Kung ang empleyado ng mga lokal na pamahalaan ay tama ang tinatanggap na sweldo at nabibigyan ng tamang insentibo ay tataas ang moral nito at hindi na makakaisip pang pumasok sa illegal na gawain at sila ay magiging produktibo na at magiging maayos at mabilis ang serbisyo sa publiko,” dadag pa ni Bayani, dating Mayor ng Lungsod ng Marikina.

            Si Bayani ay tumatakbong bise presidente at running mate ni Senador Richard Gordon sa ilalim ng partidong Bagumbayan. 
 
(Unang Hirit p.2. February 22, 2010)